Sunday, January 23, 2011

Journal Entry #5: Dodgeball

Ito ang isa sa mga pinaka sikat at pinaka masayang laro na aming nilaro sa klase ng PEd92.

Ang Dodgeball ay isang laro kung saan ang klase namin ay hinati sa dalawa at merong mga bumabato at binabato. Ang nangbabato ay nahati sa dalawang grupo na nakahilera at handang bumato ngunit may distansiyang at least 10m na malayo sa isa't isa habang binabato ang mga nasa loob.

Nagkaroon kami ni ng isang klase ng variation na hindi ko pa narinig noon. Ang variation na to ay ganito. Kapag ang player na nasa loob ay nakasalo ng bolang binabato ng mga taga-bato, ang mga nangbabato ay hindi gagalaw at sila ay babatuhin ng nakasalo ng bola na taga-loob. Kapag sila ay tinamaan, panalo na ang grupo na nasa loob, pag hindi naman, sila naman ang panalo.

Isa sa mga laging unang natatanggal sa aming paglalaro ay ang aking teammate na si Tasha. Haha. At ang MVP naman sa larong ito ay walang iba kung hindi si Zen. Haha. Ang galing lang kasi niyang umiwas, tumalon, yumuko, magpasikot-sikot para hindi tamaan ng bola. Haha.

Sa sobrang saya ng game na ito, isa ito sa mga laro na ilang beses naming nilaro sa aming masayang klase. At dahil dito ito ang award ko para dito: "Batuhan Na Award".

Talaga lang namang nakaka-enjoy ang larong ito. Haha. Excited na ako para sa mga susunod pang larong aming malalaro sa PEd92. Haha.

Fin.

Journal Entry #4: Buwan Buwan

Ang larong ito ay report ng isang grupo sa aming klase, ngunit dahil ako ay makakalimuting bata hindi ko na maalala kung sino ang mga nagreport nito. Haha.

Well, ang Buwan-buwan ay isang laro ng katulad din ng Aswang-Aswang ngunit ang bilog ay may hati sa gitna kaya nahahati sa dalawang semi-circle ang bilog na nasa sahig. Itong dalawa ang nagsisilbing parang mga buwan. Dapat ay makapang taya ang mga taya habang sila ay naglalakad lamang along the lines na naka guhit sa sahig.

Nagkaroon ng variation ang game na ito upang lalo pang gawing exciting ang laro. Hindi lang isa ang hati ng malaking bilog na ito, ngunit naging apat. Kung ang hati ay sa gitna lamang upang magkaroon ng parang mga buwan na itsura, ngayon naman ay dinagdagan pa ng ilan pang linya sa loob ng bilog o ng buwan kung kaya't naging mas magulo ngunit ma masaya ang laron ito.

Walang tigil na pangtataya din ang larong ito kung kaya't aawardan ko ang game na ito ng "Sige lang, Takbo Pa! Award" Haha.

Fin.

Journal Entry #3: Buwal Pari

Medyo maikli lang ang magiging entry na ito sapagkat napaka simple lang din naman ng larong ito.

Nilaro namin ang Buwal Pari gamit lamang ang ilang mga palito ng posporo. Ang mga palito ay nilapag sa sahig at ito ay magkakasama at magkakadikit na nandoon. Ang goal ng game na ito ay paramihan ng makukuhang palito ng posporo sa pamamagitan ng pagbunot sa palito mula sa magkakadikit na posoporo (or pile) nang hindi gumagalaw ang iba pang mga posporo.

Nakagrupo ko noon sina Mino, Ada at Trizha kaya't naging pagkasaya-saya ng larong ito. Walang tigil na pag bunot ng mga palito ng posporo mula sa pile.

Sa dulo ng laro, nagbilangan kung sino ang may pinakamaraming nakuhang palito ng posporo at panalo sa aming grupo si Mino. Haha.

Maihahalintulad ko ang larong ito sa isang sikat na laron ng aming kabataan na tinatawag na "pick-up sticks". Halos magkapareho lang talaga ang mechanics ng mga game na ito. Haha.

Bibigyan ko ang game na ito ng award na "Bunot Lang ng Bunot award" pagkat walang katapusan ang pag bunot namin ng mga palito ng posoporo. Haha. Masasabi ko namang masaya din ang larong ito sapagkat sibusubok nito ang control mo sa pag hawak at pagbunot ng mga palito upang hindi gumalaw ang iba pang mga palito sa pile. Haha.

Fin.

Saturday, January 22, 2011

Journal Entry #2: Night or Day

Dahil nakalimutan ko na kung kelan ang araw na nilaro natin ito sa klase, sabihin nalang nating ganito. Isang masayang araw noon sa aming napakasayang PEd92 class, naglaro kami ng isa na namang masayang takbuhan na laro na tinatawag na Night or Day.

Ang larong ito na Night or Day ay isang laro na mainly habulan ang ginagawa. Hinati ang aming klase sa dalawang grupo, ang Night at ang Day. Ang dalawang grupo ay nasa magkabilang side ng linya sa gitna ng vanguard rooftop kung saan kami ay nakahilera at handang-handang mang taya sa pag baba ng tsinelas.

Hindi ko pa nga pala naipapaliwanag. Sa larong ito kasi, malalaman kung sino ang mangtataya sa pagbagsak ng tsinelas na ibinabato sa ere para malaman kung sino ang manghahabol kung kanino. Halimbawa, kapag ang tsinelas ay nasa sahig na at ang side ng tsinelas na nasa taas ay ang sole o ang ilalim nito, ibig lamang sabihin nun ay ang Night group ang manghahabol sa mga Day people hanggang sa dulo ng classroom. Ganoon din para sa Day na manghahabol ng Night people, kabaligtaran nga lamang. Kung mayroon mang mataya ang grupong manghahabol mula sa pagbagsak ng tsinelas, magkakaroon ng puntos ang grupong makakapang-taya.

Nakakapagod din ang pagtakbo at ang kaba na iyong mararamdaman habang hinihintay mong bumaba ang tsinelas sa sahig para malaman kung ikaw nga ba ay tatakbo para mang-habol at hindi tatakbo para umiwas. Lalo lamang kaming naguluhan noong magkaroon ng variation ang larong ito. Ang variation ay ikaw ang manghahabol kapag lumabas ang kabaligtaran ng kulay ng iyong grupo. Halimbawa, Kung ikaw ay Night group, dapat ay lumabas ang maputi o ang taas na parte ng tsinelas upang kayo ang manghahabol sa mga Day people.

Dahil sa variation na ito, naging mas magulo ngunit mas katawa-tawa ang aming paglalaro. Dahil ito sa ang lahat ay nagkakaroon ng hang time or mga at least 2-3 na segundo sa pag-iisip kung ito nga ba ang kulay nila o dapat ang kabaligtaran upang malaman kung sila nga ba ang manghahabol o hindi. Hahaha! Kagulo lang talaga. Sobrang tawa nalang kami ng tawa dahil nagkakaroon ng pagkakataon nalalabas ang sole ng tsinelas at dapat ay tatakbo na ang mga Day people para umiwas, eh sa kabaligtaran dapat sila na ang manghabol dahil reverse na ng original rules ng game ang tumatakbo noong oras na iyon. Haha. Kagulo talaga pero napakasaya.

Muli, gusto ko mang ihalintulad ang larong ito sa isang laro sa aking kabataan, ngunit wala akong maalalang laro na may katulad ng ganitong konsepto mula sa aking kabataan. Haha.

Tatapusin ko nalang ang entry na ito sa pagbibigay ng award sa larong Night or Day. At ito ay, drum roll please... *trug-trug-trug-trug-trug* "Kagulo Award". Dahil yan sa sobrang kagulo lang talaga ng sitwasyon lalo na nung may variation na ang game. Haha. Ayos! Hanggang sa muli!

Fin.



Kagulo Award

Journal Entry #1: Aswang-Aswang

Ito ay isa sa mga pinaka makukulit na larong aming nilaro sa klase. Kung hindi niyo alam kung ano ang larong ito,  ilalarawan ko muna sa inyo upang kayo at magkaroon ng ideya kung pano ito nilalaro.

Sa larong Aswang-aswang, may isang malaking bilog na nakaguhit sa sahig at nasaloob nito ay ang buong klase bilang mga taong-bayan. At ang taya naman ay tatakbo dun lamang sa linya ng bilog upang mang-taya o kumain ng taong-bayan bilang ang Aswang. Kung sino man ang mataya ng aswang ay siyang papalit bilang bagong taya o ang aswang. O hindi ba't tunog pa lang nun ay kasiya-siya na? Haha.

Nagkaroon kami ng ilang mga rounds sa una para masubukan lang kung paano laruin ang game na ito. Nang medyo natutunan at nakasanayan na namin kung paano laruin, dito na naglalagay ng mga variations. Ang isa sa mga variations na ginawa namin para sa larong ito ay ang pagkakaroon ng maraming taya. Sa tuwing makakataya o makakakain ng taong-bayan ang aswang, ang nataya ay magiging aswang na rin at mananaya na habang tumatakbo sa bilog na nakaguhit sa sahig.

Habang nilalaro namin ito, pansin na pansin ko ang pagkakatuwaan ng aking mga kaklase. Makikita mong pilit nilang iniiwas ang kanilang mga sarili mula sa mga guhit upang makalayo kapag nandiyan na ang taya. Minsan ay di naiiwasang magka-tulakan kung kaya't madali rin natataya ang iba naming mga kaklase.

Ang susunod naman na variation na ginawa ay ang pagliit ng bilog kung saan nakapaloob ang taong-bayan. Dahil dito, mas napapadali na ang pag taya ng mga aswang. Ito ay advantageous sa mga matatangkad at mahaba ang mga braso at kamay pagka't mas madali para sa kanila ang mang-taya lalo na at maliit na ang bilog na kanilang tinatakbuhan.

Naging masaya naman ang paglalaro namin ng larong ito. Sayang nga lang at wala akong masabi tungkol sa larong ito na maihahambing ko sa mga nalaro ko noong aking kabataan pagka't hindi ko naman nalaro ito dati noong ako ay puslit pa lamang. Sana'y maulit namin ito sa klase bago magtapos ang taong ito. Haha.

At bago ko nga pala makalimutan, kailangan kong awardan ang game na 'to. Dahil sa napaka-kulit at energetic ng mga taong naglalaro nito lalo sa aming klase, ito ang award ko para sa larong ito: "Sige Pa, Siksik at Tulak Lang Award". Bakit ito? Pagka't hindi matitigil-tigil ang panunulak at siksikan kapag lumalapit na ang mga aswang sa mga taong-bayan sa loob ng bilog. Haha. Okay ba, okay? :))

Fin.

PEd 92 Happiness

Hey hey hey!

Well, ginawa ko itong blog na 'to para sa aming requirement na journal para sa aking Philippine Games na klase o kilala din sa tawag na PEd92 sa aking kolehiyo sa UP, ang Kolehiyo ng Pantaong Kinetika o (College of Human Kinetics - CHK). Sa journal na ito, balak kong mai-tala at at mailarawan ang iba't ibang mga laro na aming natututunan sa aming masayang klase.

Natutuwa ako sa proyoketong ito pagkat maaari kong mabalikan ang aking mga magaganda at masasayang ala-ala sa mga larong natutunan namin sa aming klase.

Nawa'y maging sapat ito para sa isang requirement sa napakasayang klaseng ito. :)

Magandang araw!