Medyo maikli lang ang magiging entry na ito sapagkat napaka simple lang din naman ng larong ito.
Nilaro namin ang Buwal Pari gamit lamang ang ilang mga palito ng posporo. Ang mga palito ay nilapag sa sahig at ito ay magkakasama at magkakadikit na nandoon. Ang goal ng game na ito ay paramihan ng makukuhang palito ng posporo sa pamamagitan ng pagbunot sa palito mula sa magkakadikit na posoporo (or pile) nang hindi gumagalaw ang iba pang mga posporo.
Nakagrupo ko noon sina Mino, Ada at Trizha kaya't naging pagkasaya-saya ng larong ito. Walang tigil na pag bunot ng mga palito ng posporo mula sa pile.
Sa dulo ng laro, nagbilangan kung sino ang may pinakamaraming nakuhang palito ng posporo at panalo sa aming grupo si Mino. Haha.
Maihahalintulad ko ang larong ito sa isang sikat na laron ng aming kabataan na tinatawag na "pick-up sticks". Halos magkapareho lang talaga ang mechanics ng mga game na ito. Haha.
Bibigyan ko ang game na ito ng award na "Bunot Lang ng Bunot award" pagkat walang katapusan ang pag bunot namin ng mga palito ng posoporo. Haha. Masasabi ko namang masaya din ang larong ito sapagkat sibusubok nito ang control mo sa pag hawak at pagbunot ng mga palito upang hindi gumalaw ang iba pang mga palito sa pile. Haha.
Fin.
No comments:
Post a Comment